Tuesday, September 3, 2013

Ang Dukha

Opo, ako po 'yan ;)

Sorry(kung meron mang bumabasa o sumusubaybay nito). Hindi ko masyadong naa-update 'to.

Anyway, para may mai-share lang, heto ang isang litrato ko. Ahihihi :">
Kaka-upload ko lang din nyan bilang DP sa FB ko. Trip ko lang i-post dito.


Oh, pa'no? Nekstaym na lang kuwentuhan, mga paps! INGAT! \m/

Tuesday, August 6, 2013

Okey ka rin!

Matapos ang lahat-lahat, tol? Seryoso? Ahahaha. Isang malutong na PAKYU lang!

Kung hindi mo alam, e nais ko ipaalam... na mahigit kumulang limanlibo isaang daan at dalawamputpitong(medyo nasobrahan sa unat ang pagmamalabis pero parang ganun) kaputaktehan ang dinaanan ko simula nung araw na tinibag mo ang pundasyong sinikap kong buo-in sa nakalipas na apat na taon. PAKYU ulit!

Simula nung araw na nabanggit sa taas, e pinilit kong baguhin ang buhay ko. Pinilit kong ayusin ulit ngunit sa ibang ayos. Wala kang kahit kutiting lamang na ideya kung ga'no ako naghirap para lang maitayo ulit ang sarili ko't pahakbangin ulit nang pasulong ang mga paa ko. May mga bagay, at mga bagay na katulad, sa mga nakaraang taon na nasanay akong harapin nang may kabiyak. Takte lang kasi biglaan yung pagbiyak din sa'min ng nasabing kabiyak ko. Pinilit kong lunukin ang mapait na realidad na dumikit na sa iba ang dating kabiyak ko, at ngayo'y kabiyak na nga ng iba. PAKYU pa!

Hindi sapat ang tatlong pakyu sa itaas. Ano? Ganun na lang? PUTANGINA! Palibhasa, sobrang saya mo ngayon, e ano? Hindi sa hindi ako masaya sa kung nasa'n ako ngayon ngunit nabuburat akong isipin na ni wala man lang(kahit sinlaki ng kulangot) bahid ng mantsa ang konsensya mo. Takte. Pagkatapos ng lahat? Ng nangyari? Ng ginawa mo? Ng nagawa mo sa'kin? Sobrang PAKYU lang.

At kahit dinaig ko ang ukay-ukay sa mura dito sa post na ito ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa Nilalang na higit na makapangyarihan sa lahat sa pagkakataong binigay nya upang maisulat ko ito.

At isa pa, hindi ako bitter. Nakakaburat lang talaga yung mga taong hindi marunong makiramdam. Palibhasa, sanay silang superyor sila at nakakaangat. Gayun pa man, hayaan na natin sila. Sikap-sikap na lang sa pag ayos ng sarili nating buhay! Hanggang sa ulit, mga batang baliw.

:)

Wednesday, July 17, 2013

Digmaang Lirikal

Medyo matagal din mula nung huling in-update ko ang blog na ito. Pasensya na, mga paps. Pasukan eh. Busy talaga(Oo. Tamad man, busy pa rin).

Pero hindi dahilan ang pagiging busy (daw) na 'yan upang hindi ko maibahagi ito sa inyo dito. Eto yun:

*Hiligaynon ang midyum na ginamit sa battle na ito.
*May mga verse kung saan tagalog, ingles at taglish ang ginamit ng mga emcee, style na nila yun! Hindi naman labag sa rules. 

At dahil busy nga (daw) ako, mas ipapaliwanag ko na lang ang video na yan sa susunod. Ipopost ko rin yung lyrics ng bawat verse ko. I-aannotate ko na rin para mas kul :)

Hanggang dito na lang muna. Enjoy na lang sa panonood, mga paps!

PIS! ^^V

Sunday, June 30, 2013

Mga Bingi

Bakit nga ba may tama at mali?
Bakit tayo nagkakamali?
Sino ang nagsabing tama ito at mali iyan?
Sino ang nagsabing dapat ganito at hindi ganyan?

Ang batas nga ba'y makatarungan?
Ito ba'y para sa sangkatauhan?
Bawat salita nga ba'y makatotohanan?
Atin nga bang napapakinabangan?

May lugar pa nga ba ang dukha,
Sa lugar ng mga kapal mukha?
Hustisya ay kaya pa bang matamo?
O para na lang ba sa mata mo?

Yumayaman ang mayaman.
Namamatay ang mahirap.
Kaya pa nga bang malunasan,
Ang epidemyang laganap?

Sa posisyon ay palakasan,
At naghahalakhakan.
Mga hinaing ba nati'y naririnig?
O wala na nga bang pandinig?

Nabingi sa sariling tawa,
Ang mga demonyong buwaya,
Mga sakim na may kaya,
Nabingi sa sariling tawa.

Atin na lang bang hahayaan,
Na tayo'y maapakan?
Maling sistema ay labanan.
Sarili ay ipaglaban.


***********

Pansinin na walang sukat na sinusunod ang tula. Dinesenyo ang istruktura nito ayon sa pagbigkas ng sumulat(ako) kaya pasensya na sa mga "critics" diyan. Hindi ko sinulat to para mamburat ng mga katulad niyo. Pis!

Friday, June 28, 2013

"Biro Lamang"

"Biro lamang" o sa mas maikling pagpapahayag, "biro lang." ay madalas maririnig tuwing nagbibiro ang isang tao. Pero tuwing ganoon lamang ba naririnig ang mga katagang ito?

Ipagpalagay na badtrip ka ngayong araw. Susulpot yung pinakanakaka-imbyerna mong bespren sabay bigkas ng, "Hoy! Gago! Ano'ng trip mo ngayon?" upang hikayatin ka sanang mag-power trip tulad ng kinagawian niyo sa araw-araw. Problema, e badtrip ka nga eh, 'di ba? Sunod ay mapapansin ng kaibigan mong ang "pusoy face" mo'y nagbagong anyo't unti-unting nagiging "game face" na ni Phil Younghusband. Sa puntong yun ay alam na ni bespren na naburat ka niya't sasabihing, "Oy, biro lang :/"

Isa pa?

Malamang hindi makatotohanan na nag-uusap kayo nang malaliman ng crush mo kaya iunat mo na lang nang konti ang utak mo't paganahin ang imahinasyon upang medyo mas madulas ang pagkakaintindihan natin. Halimbawa ay damang-dama mo nang makakawala ka na, sa wakas, sa masalimuot na pook ng friendzone habang mas lumalalim pa sa Pacific Ocean ang pag-uusap niyo ng crush mo. Nagpalamon ka sa katangahan at buong-katangahang sinabing, "Crush kita, best. I love you. Dati pa. Hindi mo alam kung ga'no kita kamahal at kung ga'no kahirap kong itinago ito sa mga nagdaang araw/linggo/buwan/taon + *insert everything ma-keso here*" nang wala man lang alinlangan. Dito papasok ang realidad. Realidad na hindi iyon inaasahang marinig ng crush mo. Matapos ang pagsabog ng katangahan ay natauhan ka't napagtantong ayaw mo pala masira ang bestfriendship ninyo. First aid na malamang sa pagsabog ang 'matik  na paganggit mo ng, "Biro lang! Best naman oh!" sabay pamalas ng isang pekeng ngiti na napakahirap gawin. Mas mahirap pa kesa pagpigil ng taeng lalabas na.

Teka... lahat nga ba ng "biro lang" ay "biro" lang talaga? Ewan.

Pero kung tutuusin ay libu-libong beses na mas mainam na ang mga ganoong klase ng "biro lang" kung ikukumpara mo sa isang taong nagpapahalaga ng lubos sa isa pang taong walang paki sa pagpapahalagang pilit ibinibigay at pinapapansin ng naunang taong nabanggit. Dahil para sa ikalawang taong nabanggit, ang unang taong nabanggit ay "biro lamang" sa buhay niya.


*********

Medyo pakyu ang ending ng post na ito pero pakyu right back na lang din. Malamang, super antok na'ko. Sori xD

Tuesday, June 18, 2013

Bakit?

Ang maikling kwentong mababasa mo ay hango sa isa pang kwento na narinig ko sa propesor ko sa eskwela kanina lamang. Bagamat hindi man sakto o siyento-porsiyentong tugma ang mga salitang gagamitin ko sa pagsulat, sana'y maunawaan niyo ang diwa na nais iparating ng kwento. Tara, digs!

**********************

Tahimik na nagpapahinga ang isang lalaki sa dalampasigan habang nakahiga't nagmamasid sa paglubong ng araw. Isang matanda't mayamang lalaki ang biglang nakapuna sa kanya't nilapitan ito. May sinabi.

Matanda't Mayamang Lalaki: Nakatambay ka lang dito? Ayaw mo magtrabaho?
Lalaki Sa Dalampasigan: Bakit?
MML: 'Pag nagtrabaho ka, magkakapera ka! Kesa patambay-tambay ka lang dito.
LSD: Bakit?
MML: 'Pag dumami pera mo, magiging masaya ka!

Akala ni MML ay na-korner na niya ang, sa tingin niya, mababaw na utak ni LSD. Medyo naburat si MML nang sumagot pa ulit si LSD.

LSD: Bakit? (sabay simangot)
MML: (medyo mabilis ang pagbikgkas pagkat may nais patunayan sa lalaking halatang higit na mas nakababata sa kanya) Bata, kapag masaya ka at marami ka nang pera, matatahimik ang buhay mo't makakapagpahinga ka na.
LSD: (nagbigay ng ngiti bago magpakawala ng mga salita) Hindi ko na ho yata kailangan 'yun. Kung magtatrabaho lang din naman ako para lang sa dahilang "makakapagpahinga" ako, papagurin ko lang ang sarili't katawan ko.

Bumaliktad ang mundo. Si MML na ang sumimangot. Nabighani siya sa sagot ni LSD at unti-unti niya itong ine-internalize. Dahil sa hindi niya maunawaan ng lubos, tuluyang bumaliktad ang mundo sa pinakapanahong iyon. Napatanong si MML.

MML: Bakit?
LSD: Kung hindi niyo ho napansin kanina, bago niyo'ko nilapitan at kausapin, e nagpapahinga na'ko. At kung kasiyahan din lang ang pag-uusapan, masaya na'kong masdan lang ang mga alon habang hinihintay lumubog ang araw mula sa dalampasigan. Maaring iba rin ho ang depinisyon at pananaw niyo sa salitang "saya" o "kasiyahan" ngunit sapat na ho ang kung ano man ang mayroon ako ngayon at kontento na'ko sa kung saan man ako ngayon upang bigyan ko ng sapat na pahinga ang sarili ko. Hindi ko rin sinasabing gawin niyo ang kung ano man ang ginagawa ko. Naiintindihan kong may positibong adhikain kayo sa kung bakit niyo naibigang kausapin ako at lubos na nagpapasalamat ako. Ibig kong pong sabihin ay sadyang iba lang talaga ang trip ng bawat isa sa'tin. *apir!*

Nagmukhang nakalunok ng higit dalawang litrong laway si MML habang nagsasalita si LSD. Gayon paman, natuto siya at alam niya sa sarili niyang kinailangan niya marinig ang mga salitang kakadinig lang niya.

MML: Heto... (naglabas ng singkwenta) Pang shot mo. (sabay lakad papalayo kay LSD)

Hindi gets ni LSD kung bakit siya binigyan ng pera ni MML.

Lubog na ang araw. Maliwanag ang buwan na unti-unting umaakyat sa kalangitan. Nasa kahera na rin ng sari-sari store ang singkwentang bigay ni MML kay LSD. Matapos makainom ng dalawang bote si LSD ay hindi niya pa rin alam kung bakit binigyan siya ni MML ng pera(pera "bilang pasasalamat" na para kay LSD ay pera "lang"). Hindi na niya pinag-isipan pa nang malalim at napasambit lamang ng isang salita.

LSD: Bakit? :O

Monday, June 17, 2013

Shoutouts!

I want this short n quick uhh.

Nais kong pasalamatam si Xel sa ginawa niya sa'kin kanina. Malamang ay 'di niya rin naman pansing ginawa niya iyon at lalong hindi niya napuna kung ga'no kalaki ang tama nun sa nararamdaman ko ngayon at sa mga nakaraang araw.

Xel, salamat sa yakap. Matagal na'kong nangungulila sa gano'n. Hindi man iyon ganoon kahigpit at katagal, e napaalala mo naman sa'kin kung ga'no kasarap ang pakiramdam ng may biglang yayakap sa'yo sa panahong hindi mo inaasahan pero sobrang kailangan mo. Salamat. Solid na salamat.

Solid na pasasalamat rin kay Papa Lord. Alam kong nangyari yun ayon sa kagustuhan Niya.

Kahit ilambeses ko man ulitin ay hindi magiging sapat upang ilarawan kung ga'no kalaki ang pasasalamat ko sa nangyari pero tatapusin ko itong sinusulat ko sa pamamagitan ng pagsambit ng salitang ito sa pinakahuling beses sa blog entry na ito.

SALAMAT!