Tuesday, August 6, 2013

Okey ka rin!

Matapos ang lahat-lahat, tol? Seryoso? Ahahaha. Isang malutong na PAKYU lang!

Kung hindi mo alam, e nais ko ipaalam... na mahigit kumulang limanlibo isaang daan at dalawamputpitong(medyo nasobrahan sa unat ang pagmamalabis pero parang ganun) kaputaktehan ang dinaanan ko simula nung araw na tinibag mo ang pundasyong sinikap kong buo-in sa nakalipas na apat na taon. PAKYU ulit!

Simula nung araw na nabanggit sa taas, e pinilit kong baguhin ang buhay ko. Pinilit kong ayusin ulit ngunit sa ibang ayos. Wala kang kahit kutiting lamang na ideya kung ga'no ako naghirap para lang maitayo ulit ang sarili ko't pahakbangin ulit nang pasulong ang mga paa ko. May mga bagay, at mga bagay na katulad, sa mga nakaraang taon na nasanay akong harapin nang may kabiyak. Takte lang kasi biglaan yung pagbiyak din sa'min ng nasabing kabiyak ko. Pinilit kong lunukin ang mapait na realidad na dumikit na sa iba ang dating kabiyak ko, at ngayo'y kabiyak na nga ng iba. PAKYU pa!

Hindi sapat ang tatlong pakyu sa itaas. Ano? Ganun na lang? PUTANGINA! Palibhasa, sobrang saya mo ngayon, e ano? Hindi sa hindi ako masaya sa kung nasa'n ako ngayon ngunit nabuburat akong isipin na ni wala man lang(kahit sinlaki ng kulangot) bahid ng mantsa ang konsensya mo. Takte. Pagkatapos ng lahat? Ng nangyari? Ng ginawa mo? Ng nagawa mo sa'kin? Sobrang PAKYU lang.

At kahit dinaig ko ang ukay-ukay sa mura dito sa post na ito ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa Nilalang na higit na makapangyarihan sa lahat sa pagkakataong binigay nya upang maisulat ko ito.

At isa pa, hindi ako bitter. Nakakaburat lang talaga yung mga taong hindi marunong makiramdam. Palibhasa, sanay silang superyor sila at nakakaangat. Gayun pa man, hayaan na natin sila. Sikap-sikap na lang sa pag ayos ng sarili nating buhay! Hanggang sa ulit, mga batang baliw.

:)