Sunday, June 2, 2013

Catch You by Rjay of LDP(Lyrically Deranged Poets) ft June Marieezy


"The sight of you is just so calming and serene
it's as if you got a hold of me and what is in between
my chest and I can't help it, think it's best if I would let it
be because against you tell me how can I protect it
I think that it's a risk worth taking if it's for you
life is what you make it and to love is to be loyal
I'll be there when you need me even if you get cold
wondering if you could read me and the feelings that I hold
for you and I would never leave your side
if you're with me then I'm with you I'd be always down to ride
you're not sure if you can trust me well I aint telling you to
we can be friends if you want I just wanna be next to you
I would never let you fall I'd be ready to catch you
what's the point of it all if I wont be able to match you
confused with all the fusion of my thoughts well one thing's clear
it's amusing just like music I feel better when you're here"

***************

Tunog Atin ulit tayo!

Sa totoo lang, matagal ko na digs ang kantang 'to. Hindi nga lang tagalog ang liriko pero OPM po ito. Pakinggan nyo, mga paps! Hindi sa mababa ang pagtingin ko sa mga musikang likha natin pero isa itong kantang 'to sa maraming iba pa na nagpapakitang kaya natin sabayan(o higit pa) ang kalidad ng mga kantang likha ng ibang bansa.

Bakit ito ang napili kong ibahagi sa inyo ngayon? Una, sabihin na lang nating dahil sa "inspirasyon" ko. Hihihi. Nais kong i-alay ang kantang 'to sa kanya(hindi niya rin naman binabasa ito so.. ok) kahit sa pamamagitan na lang ng blog post na ito. Masyadong karumal-dumal ang boses ko upang magkaroon ako ng lakas ng loob na kantahin ito at hindi ako ganun ka swabe bumigkas ng mga salitang Ingles.

Pangalawa, dahil nabighani ako sa lirisismong ipinamalas ni Rjay at sa flow ng pagbigkas nya. Malalaglag ang panga mo kapag narinig mong fluent din pala si Rjay magtagalog. Idagdag mo pa ang boses ni June. Napaka-orgasmic. Hindi ko alam kung anong salita ang makakapaglarawan ng kung gaano ka-solid ang kombinasyon nila at ng mga boses nila sa kantang 'to. Hanep! Pakinggan niyo na lang at intindihin. Damhin nyo. Sigurado, mapapakanta kayo. Mapapakanta ka kahit kasing-karumal-dumal ng krimen sa S.O.C.O. ang boses mo. With feelings pa!

Hanggang dito na lang ulit. Ewan. Baka hindi niyo pa rin trip yung shinesheyr ko dito. Paumanhin talaga. Sa mga napusuan naman ang kanta, e ipagpatuloy niyo lang ang suporta sa Tunog Atin! Mabuhay ang musikang Pinoy! :D

No comments:

Post a Comment