Monday, June 10, 2013

Malabo

Bago ang lahat, na miss ko ang laptop ko! Yey!


Hindi sa nagmamayabang ako pero gusto ko lang sabihin na ang cool ko sa dahilang marunong ako magpahalaga sa mga bagay. Hindi lang basta bagay, yung mga maliliit na bagay talaga. Masaya ako dahil napupuna ito ng mga tao sa paligid ko. Sa pagkadami-daming puwede mapansin, hindi ba? Yung pagka-mapahalaga ko talaga. Medyo espesyal nga dahil isa sa mga nakapuna, e kinikilala ko bilang life mentor ko. Ang saya, di ba? Woh.

Lihis sa naunang napag-usapan. Wala namang masama magmahal, di ba? Hindi rin masamang magkagusto ka sa isang tao, tama? Ngunit bakit ganito. Ewan ko kung malas ako, sinumpa, o talagang normal lang sa'kin 'yung hindi magustuhan balik ng kung sino man ang pinupuso ko. Takte! Ahahaha. Pero okey lang din. Ano nga ba'ng magagawa ko? Lakad pa rin pasulong. Bangon, ahon, lakad. Ayoko pag-usapan ito ng malalim dito. Medyo hindi tama.

Hanggang dito na lang ulit. Si Papa Lord na lang muna siguro bahala sa kung ano man ang mangyari. Ipagdadasal ko na lang yun. Ingat kayo! :D

No comments:

Post a Comment